m3g-13, m3gcompany, m3g13, online journal
M3G PRIVATE BOARD


Bakit tinawag na M3G? Paano ito nabuo?

Ang M3G ay binubuo ng anim na magkakaibigan. Tatlo sa amin ang may pangalang nagsisimula sa letter M at tatlo naman ang nagsisimula sa letter G; Melbert, Mark Joseph, Marie (Stella), Gerald, Glaiza, Gereikson….

May 13, 2006, Medyo malamig ang panahon noong araw na yon sapagkat makulimlim ang mga kalangitan dahil sa walang tigil na ulan sa Lopez Quezon. Sa kabila ng lahat tuloy pa rin kami sa aming plano na magswimming sa Gintong Anahaw. Maraming balakid ang aking kihanarap na anupa’t naisip kong baka hindi na kami matutuloy.

Una ay kay Ste, may problema sya noon na baka hindi sya payagan ng kanyang mga magulang at lalong lalo na ng kanyang kasintahan. Nahirapan din akong kumbinsihin sya pati na ang kanyang mga magulang. Kala ko talaga hindi na sya makakasama kasi umiyak pa sya noon at naramdaman ko talagang nahihirapan sya sa sitwasyon.. T_T Pinag-usapan namin ang mga problema nya at sinubukan naming maayos ang lahat at makabuo ng isang magandang sulosyon. Sa kabila nito pinalad akong makasama sya... Kala ko wala na akong pag-asa, mala artista kasi kung umiyak itong si Stella. Salamat po Ste sa kabila ng problemang hinaharap mo….^_^

Pangalawa ay sa Kasintahan kong si Glai, mismong sa araw nya sakin sinabi na baka hindi na raw sya umabot kasi kelangan nyang tapusin ang mga bilin sa bahay nila. Nalungkot talaga ako kasi sabi pa nya, kung hindi raw nya agad matugunan ang mga bilin sa kanya sa bahay ay hindi na sya susunod. T_T Pero pupuntahan daw niya ako saglit para naman hindi ako magtampo, ganun ako kamahal ni Twinhe. Maaga pa lang pumunta na sa bahay si Glai at sumama sa pagpunta sa Gintong Anahaw. Sabi nya ihahatid lang daw nya kami tapos uuwi na sya sa Calauag. Hindi ko man lang naisip na sa mga oras na yon ay hindi na pala sya uuwi…^_^ Sobrang galak talaga ang naramdaman ko ng sabihin nyang sasamahan nya ako kasi kailangan ko sya sa tabi ko….Salamat po Twinhe, Love you Po! ^_^

At ang huli ay kay Macky, nasa Maynila kasi sya dahil sa job fair. Baka hindi raw sya payagan ni tatay dahil sayang sa pasahe tsaka baka tawagan sya ng opisina…. Himala na lang talaga ang inaasahan ko sa part ni Macky. T_T Nagpaalam pa nga ako kay tatay, payagan lang sya. Sobrang pangungumbinsi at paawa style nanaman ang ginawa ko kay Macky. Haayss… mukhang hindi ako mananalo kasi iniisip ko rin kasi ang kalagayan nya na mahihirapan sya lalo na sa byahe kasi babalik pa sya. Buti na lang, may awa si GOD… Sabi nya susubukan nya na makarating kahit bandang hapon na.. Yes! Nagtext rin sa wakas hatid ang balitang kasama raw nya si tatay pauwi sa Gumaca… Wow! Salamat talaga Macky sa panahon at pagod….^_^

Whew, nakakapagod pala mag-organize ng isang activity! Buti na lang Ok na si Geco at talaga namang bakas sa kanyang mukha ang sobrang excitement….^_^ Si Gerald naman pa-easy-easy lang at hinihintay na lang ang oras ng kaganapan, mas excited pala si Dodong di lang halata! ^_^

Ang araw na ito ang isa sa pinaka-masasayang sandali ng aking buhay. Hindi ko matatawaran ang suportang binigay sa akin ng mga kaibigan ko. ^_^ Kay GLAI, salamat po sa walang sawang pag-aalaga mo sakin. Baby talaga ako kapag kasama kita. Kahit alam mong hindi buo ang attention ko sayo at alam kong may konting tampo kang nararamdaman pero nandyan ka pa rin at handang ipakita ang paagmamahal at suporta hindi lang sakin kundi sa aking mga kaibigan….Walang kupas talaga si Twinhe, mula sa future, pinuntahan ako para baguhin ang buhay ko at hubugin ako na maayos.. Mahal na mahal po talaga kita….^_^ Kay GECO, salamat po sa pag-aasikaso lalo na sa pag-iihaw at pagluluto. Buti na lang ang dami mong baon na jokes at napaka-energetic mo. Tsaka sa bonding na pinakita mo samin…. Sarap mong kasama, kahit patay mabubuhay at matatawa sayo…. Sana wag kang magbabago….^_^ Kay STE, salamat po sa suporta at pakikisama mong pinakita samin. Nakakamiss ang mga kakaibang kwento mo lalo na ang kwento ng buhay mo na talaga naming touching. Sobrang naintertain sayo si Gerald….^_^ Bilib talaga ako kay Ste, sa kabila ng mga problema kinakaya pa rin.. at alam nya kong alin ang dapat na iprioridad. Ingat po lagi Ste ha? ^_^ Kay MACKY, kaw naman masyado tahimik, pero kahit bakas sa kanyang mukha ang pagod hindi naman sya na-OP sa mga kasama. Ito yung tipong walang imik pero kung bumanat ay maLufet! Haha… Masarap kakwentuhan at kabiruan ito si Macky, marami ring kwentong kagaguhan, este katatawanan pero tahimik na tao. Sobrang bait talaga nito! ^_^ Last, Kay GERALD, Salamat kasi unang-una ikaw ang dahilan kung bakit ko nakasama ang mga kaibigan at mahal ko. Salamat sa oras, panahon, at sa mga regalong binigay mo samin. Si GE, sobrang magpahalaga ng kaibigan…. Mabait at huwarang anak, kapatid at kaibigan… Sabi ko nga kay Glai, ito ang lalaking version nya….^_^ Whew! In general, SALUDO ako sa lahat ng BESTFRIEND kong ito. Hindi ko inakalang magagawa kong mapagsama-sama sila at hindi ko rin inakalang ng dahil sa MAY 13, 2006 ay mabubuo ang Masayang bonding namin ng aking matatalik na kaibigan. Sana walang magbabago sa inyo mga TOLs. Napakapalad ko dahil nakilala ko kayo sa milyon-milyong tao sa mundong ito. Kayo yung in-na-in sa puso ko talaga, kulang na lang sabihin kong perfect kayong lahat… Basta mahal ko kayong lahat na gaya ng pagmamahal ko sa pamilya ko. Hindi kailanman magbabago ang pagtingin ko sa inyo hanggang sa mamatay ako…. Kilala nyo naman ako kung ano ang mga pamantayan ko sa buhay at mga ipinaglalaban ko. Sana bigyan kayo ni GOD ng mahabang buhay at patuloy na ingatan lalo na ang inyong mga pamilya na napamahal na rin sakin at itinuring na rin akong parang anak at kapatid… Magliwanag nawa ang inyo-inyong mga landas at patuloy na mabuhay sa kasaganaan at katuwiran…. Mag-Ingat po kayong palagi…. Hihintayin ko ang kasunod na pagkikita-kita natin… BEST LUCK! GOD BLESS YOU ALL!!! Hmmmmmmmmmmmnnnnnnnnnnn…… BLEH! ^_^ Love Yah!

Back to HOME